Sarah Geronimo Tinawag Na Superhero Ang Kanyang Mommy Divine

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Lovely


 Lalo pang tumibay ang paniniwala ng mga tagahanga ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na nagkaayos na sila ng kanyang mga magulang.


Matatandaan, na labis ang pagtutol ng ina ni Sarah Geronimo sa pakikipagrelasyon niya at pagpapakasal sa aktor na si Matteo Guidicelli.


Makalipas ang ilang taon, naging lumabas ang balitang may posibilidad nang napatawad na ng mga magulang si Sarah Geronimo.


Isa sa mga nagpapatibay sa paniwalang ito ay ang pagdalo umano ng mga magulang ni Sarah sa kanyang concerts at nito lamang mother's day celebration, nagbigay ng tribute si Sarah sa kanyang mga magulang.


Pinasalamatan ni Sarah ang mga ito at tinawag pang Superheroes ng kanyang buhay.


Sa kanyang Instagram post ibinahagi niya ang mga throwback photos kasama ang mga magulang kung saan makikitang yakap-yakap pa siya ng kanyang Mommy Divine.


Agad naman umani ng positibong reaksyon mula sa mga netizens na naantig sa pagmamahal at pagpapahalaga ni Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang.


"You are so kind ang genuine.😭 i hope one day in God's perfect time mayakap mo uli ang mga magulang mo. Nanay ako at alam ko na kahit anong mangyari na walang nanay ang kayang tiisin ang mga anak.πŸ₯ΊπŸ˜­ God bless you always Ms.SarahG patuloy ka ibleblessed ni Lord dahil napakabuti mo."


"Praying for healing and reconcillation. Napaka bait ni sarah. Sana naman po Mommy Divine buksan niyo na ang puso niyo. Mahal na mahal kayo ni sarah"


"Paki babaan sana ni mommy divine ang kanyang pride sa kanyan anak. πŸ˜‚ happy mother’s day mama"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo