Mommy Divine Nagmamatigas Parin Hindi Man Lang Sumilip Sa Concert Ni Sarah Geronimo

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Lovely


 Marami sa mga fans ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang nalulungkot dahil sa muling pagkabigo ng singer na makasama ang mga magulang sa importanteng kaganapan sa kanyang buhay.


Kamakailan lamang ay naganap ang 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum. Marami sa mga tagahanga ng singer ang umaasang dadalo at makakasama na ni Sarah sa concert ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.


Subalit, nagtapos na lamang ang concert ay hindi pa rin nagpakita ang ina ng singer.


Marami sa mga netizens at mga tagahanga ni Sarah ang nagsasabing sadyang matigas ang puso ni Mommy Divine dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito napapatawad si Sarah sa pagsunod sa kanyang puso.


Nagbigay pa ng tribute si Sarah Geronimo sa kanyang daddy Delfin at inalala ang mga panahon na nagti-training pa sila tuwing umaga.  Muli ipinahayag ni Sarah Geronimo kung gaano niya kamahal ang kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin.


Umani naman ng mga komento ang hindi pagpapakita ni Mommy Divine sa 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo.


“Sabi nila, walang ina ang matitiis ang anak, iba to. iba ang tigas ng puso sa kabila ng mga nagawa ni Sarah G. Di pa rin sapat. Hugs Sarah, we love you.”


“Lahat ginawa ni Sarah para sa pamilya niya, pero dahil lang sa 1 desisyon na hindi pabor sa magulang niya nagalit na. Sana balikan Ng mga magulang Ang sakripisyo ng anak nila. Ang tagal na panahon na.”


“Parents should be the number 1 supporter of their child. 20th anniversary, wala man lang sila. Nakakalungkot. Lahat ginawa mo para sa pamilya, pero sa isang bagay na makakapag pasaya syo hindi man lang nagawang suportahan. Hayst. I wish u well popstar!!! Congrats on your very successful concert! Sana nakita ng mama and daddy mo yan. Sobrang nakaka proud. World class.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo