Rosmar Tan Na-Scam Ng ₱50K Ng Nagpanggap Na Kapatid Ni Toni Fowler

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 Halos hindi makapaniwala ang beauty product CEO na si RosMar Tan na isa siya sa mabibiktima ng mga scammer.


Ayon sa ibinahaging update ni Rosmar, naloko siya ng 50K ng mga scammer na nagpapanggap na kapatid ng kilalang social media personality at vlogger na si Toni Fowler.


Pagbabahagi pa ni Rosmar na totoong inakala niyang si Milk ang katext niya na humihiram sa kanyang ng pera sa halagang ₱100k.


Parehong-pareho daw kasi ang paraan ng pakikipag-usap nito sa tunay na Milk kaya naging kampante siyang magpahiram.


Dahil may limit lamang ang bank transfer, ₱50k lamang ang naipadala niya. 


Nang ipapadala na niya ang susunod na kalahati, tatlong beses daw itong naka-cancel at tila may kung anong pumipigil sa kaniyang gawin ito. Dito na tila nahimasmasan at kinutuban si Rosmar na may mali sa nangyayari.


Agad din umano niyang tinawagan ang money transfer na ginamit at agad na ipinasara ang account.


Nagbigay din siya ng babala sa lahat ng kanyang mga kaibigan na baka gamitin rin ang kanyang pangalan ng mga scammer sa hinaharap.


“And if ever meron din nagPAPANGGAP NA AKO? na nanghihingi ng pera? Wag kayo maniwala kasi never ako humingi kahit kanino ng kahit magkano! Ako pa nga namimigay di ba? So ayun, BLINOCK NA AKO NG NUMBER NA YAN. HAHAHAHA! Bahala ka dyan. Pangbiliiii mo nalang yan ng IPHONE," saad ni Rosmar.


Ibinahagi pa ni Rosmar ang conversation nila ng nagpapanggap na kapatid ni Toni Fowler.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng anumang komento o reaksyon ang panig nina Milk at Toni Fowler.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo