Alex Gonzaga, Umakyat Sa Bundok Hindi Na Pinapababa

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ng actress-host na si Alex Gonzaga ang pag-akyat nila sa Mt. Ulap sa Itogon, Benguet ng kanyang mga magulang na sina Pinty Gonzaga at Bonoy Gonzaga.


Ibinahagi ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram account ang kuhang larawan mula sa kanilang mountain hiking adventure.


Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at maging ng ilang mga malalapit na celebrities sa aktres.


Isa mga nagkomento ang Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros na kasalukuyan din umakyat  sa ibang bundok.


“Hahhahahahahahhah congrats als uulit ka pa n’yan at maaadik ka n’yan,” komento ni Melai.


Samantala, bagama't marami ang humanga at nagbigay ng positibong reaksyon at komento sa post ng aktres hindi rin maitatanggi na may mga bashers na nag-iwan ng harsh comments laban kay Alex Gonzaga.


May mga nagsasabi pang doon na lamang umano ito sa bundok manatili at huwag nang bumaba pa kahit kailan.


Matatandaan na umani ng pambabatikos ang ginawa ni Alex Gonzaga sa waiter na nagsilbi ng kanyang birthday cake noong January.


Bigla na lamang kasi itong pinahiran ni Alex Gonzaga ng icing sa noo nito mula mismo sa cake na hawak. Halata namang nagbibiro lamang si Alex Gonzaga  sa kanyang ginawa dala na rin marahil sa kanyang kalasingan.


Subalit, hindi ito nagustuhan ng mga retractors ng aktres dahil hindi naman umano kabilang sa kanyang circle of friends ang waiter. Hindi umano ito naroon para makipagparty kundi upang magtrabaho.


Ipinunto pa ng ilan ang talagang pagkapahiya sa mukha ng waiter sa ginawa ni Alex Gonzaga na tinawanan pa ng ilan sa kanyang mga bisita.


Catherine Cruz Gonzaga-Morada mas kilala bilang Alex Gonzaga sa industriya ng showbiz, isa siyang Filipino media personality, host, comedienne, actress, businesswoman, and singer.


Marami ang natutuwa sa kanyang ibinabahaging vlog subalit minsan ay wala na umano sa hulog sa kanyang mga biro.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo