Rosmar, Ipinagmamalaking Medtech Graduate Siya, Hindi Katulad Ng Iba Jan

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Ipinagmamalaki sa social media ng CEO at social media personality na si Rose Marie Tan Pamulaklakin, kilala rin bilang si Rosmar Tan na nakapagtapos umano siya sa kursong Med-tech sa Far Eastern University.


Ito'y kasunod sa mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens matapos niyang ipakita sa social media ang kanyang singit.


Matatandaan na ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang hayagang ipinakita ni Rosmar Tan sa kanyang Tiktok account ang kanyang singit para sa promotion ng kanyang produktong feminine wash.


Marami namang sa mga netizens ang pinagkatuwaan ang kanyang video at ang kanyang maiitim na singit.


Kaya naman, sa kanyang Facebook post buong pagmamalaki niyang isiniwalat ang kanyang college degree. Ipinahayag pa niyang nakakuha siya ng uno sa Pharmacology subject.


“Never underestimate FEU MEDTECH GRADUATE, lalo na sa estudyanteng UNO sa PHARMACOLOGY subject at SECTION1 /PILOT SECTION,” panimula ni Rosmar.


“Simula ngayon ibang rosmar na ang mapapanuod nyo sa tiktuuuuk at socmed. Ang ROSMAR na ginamit ang PINAG ARALAN, at hindi pang katatawanan. Focus tayo sa INGREDIENTS AWARENESS nf ROSMARS PR0DUCTS kung bakit ito safe sa inyong skin. Focus tayo sa REJUV SET NATIN!”


Sa dulo ng kanyang Facebook post, tila nagpatutsada pa si Rosmar at sinabing sino ang walang alam at walang tinapos at puro pagpapatawa lamang ang alam.


“Para sa mga taong nanghuhusga sakin as “WALANG ALAM”? Ibabalik ko sainyo yan. BAKIT ANO PO BANG TINAPOS NYO? Para makapag savi kayo sa kapwa ng ganyan.”


Sa kasunod na post, ipinakita pa ni Rosmar ang ilang mga katibayan na totoo ang kanyang mga sinasabi. Ibinahagi pa niya ang kanyang mga grades.


“Nakakalungkot nowadays yung sasabihan ka na “WALANG ALAM” kahit graduate ka ng MEDTECH sa FEU BATCH 2015 At SECTION 1 Ka pa, napakaraming sleepless nights tapos mang gagaling pa yan sa taong uneducated. The audacity,” kalakip ang larawan ng kanyang mga grades.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo