Coco Martin Pinabulaanan Ang Mga Pahayag Ni Rendon Labador Tungkol Sa Mga Vendors Sa Quiapo!

Linggo, Mayo 7, 2023

/ by Lovely


Itinanggi ng Kapamilya actor-director na si Coco Martin na nagdudulot sila ng perwisyo sa mga vendor ng Quiapo sa kanilang pagso-shoot sa kanilang teleseryeng 'Batang Quiapo'.


Sa  naganap na FPJ’s Batang Quiapo media conference noong Mayo 4, 2023, iginiit ni Coco Martin na ang kanilang production ng nasabing teleserye ay nakatulong sa mga nagtitinda upang mapataas ang kanilang sales.


Ayon pa kay Coco Martin, maraming tao ang pumupunta sa Quiapo para lamang makita sila kaya naman ang mga negosyo sa paligid ng lugar ay nakinabang sa mga turista.


Dagdag pa ni Coco Martin, sadyang may mga nagpapakalat lamang ng maling impormasyon sa social media tungkol sa 'kawawang' vendors umano para lamang masira sa mga netizens ang kanilang show.


“Ganun din ang nangyayari sa Batang Quiapo. Pero hindi natin maiaalis kasi ngayon na because of the social media, na napakadaling gumawa ngayon ng opinyon ng isang bagay na kaya mong pagandahin o sirain,” saad ni Coco Martin.


Matatandaan, na ilang beses ding ipinahayag ng social media influencer at motivational speaker na si Rendon Labador ang kanyang pagkadismaya kay Coco Martin dahil sa abala umano nitong ginagawa sa mga vendors sa Quiapo.


Paulit-ulit niya itong ipinapahayag kahit pa hindi naman siya pinapansin ng aktor-direktor na si Coco Martin.


“Nakaka abala ka na sa mga NEGOSYANTENG VENDORS natin diyan sa Quiapo. Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa pag gamit mo ng lugar, umalis alis ka na diyan. Para sa PUBLIKO at MAMAYANG PILIPINO YAN!!! Ginawa mong pansarili mo lang? Hindi ka batang Quiapo, isa kang “anak ng tokwa.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo