Pinoy Boxer Na Na Comatose, Pum@naw Na!..

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Jerome

 


Nanalo man sa laban buhay naman niya ang naging kapalit, ito ang masalimuot na nangyari sa isang 22 anyos na Pinoy boxer na si bantamweight Kenneth Egano.


Ito'y matapos siyang magwagi sa kanyang laban, noong May 6, 2023. sa ginanaap na Blow by Blow ng dating Senador at Pinoy legendary boxing champ na si Manny Paquiao.


Mapait ang naging pagkapanalo ni Kenneth Egano sa larangan ng paggiging boksengero.


Bagama't hinirang nga siyang champion, ngunit isinugod naman siya sa hospital matapos siyang mawalan ng malay, dahil sa mga tinamo niyang mga bogbog mula sa mga suntok ng kanyang naging katunggali.


Hindi nga nahintay ni Kenneth na matawag ang kanyang pangalan at maitaas ng referee ang kanyang kamay upang mahirang na siyang nagwagi sa laban.


Idineklara ngang comatose ang boksengero matapos na magtamo ng pamumuo ng dugo sa kanang bahagi ng kanyang utak na kinakailangan ng agarang operasyon.


May 7, 2023 ay agad na isinailalim sa operasyon si Kenneth, ngunit kahapon May 10, 2023 miyerkules ng hapon ay isang malungkot na balita ang kumalat.


Dahil tuloyan na ngang pumanaw ang boksengero matapos ang apat na araw ng pagkaka-comatose nito.


Ito ay opisyal na inanunsyo ng Blow by Blow sa kanilang official page. 


Pahayag nila, "Sad day for Blow by Blow. Sad day for Philippine boxing."

 

"The whole Blow by Blow family is deeply saddened by the news that one of our beloved fighters, Kenneth Egano, has joined our creator this afternoon. Kenneth was one of Blow by Blow's best young pugilists and had a potential to be a future champion."

 

"Taos-puso ang aming pakikiramay at taimtim ang aming panalangin para sa pamilyang naiwan ni Kenneth. 🙏Rest in peace, Kenneth Egano. You will be missed." 🙏❤🥊


Agad naman na bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga netizens at kapwa nito boksengero, para sa pamilya na naiwan ni Kenneth Egano.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo