Moira Dela Torre, Itinangging Siya Ang Kasama Ni Jason Hernandez Sa Instagram Story Nito!

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Jerome

 


Na windang ang maraming netizens sa maugong na usap-usapan ngayon sa social media, ito ay ang naging post sa Instagram story ng singer at dating asawa ni Moira Dela Torre na si Jason Marvin Hernandez.


Kung saan ay makikita itong maykasamang isang babae sa kanyang ibinahaging larawan.


Kaya mabilis naman na kumalat  sa social media ang Instagram story na ito ni Jason, dahil sa Mystery girl na kasama nito sa larawan na makikitang nakayakap sa kanya mula sa kanyang likuran.


Kaya naman na intrega nga ang maraming netizens tungkol dito, lalo pa at nagviral pa lamang ang ginawang Instagram story ng singer nitong mga nagdaang araw.


Itoy dahil sa nakakaintrega din niyang caption na, makikitang siya ay tila tumatakbo sa kanyang larawan na may caption na, "Gaano paba ka layo ang tatakbuhin para maka move on sayo? JK"


Kaya naman sa latest post na ito ng singer ay marami ang nagtatanong kung sino ngaba ang babaeng kasama niya sa larawan.


Kung saan ay sinasabi ng marami na ang dating asawa niya na si Moira ito, dahil sa malaki daw ang pagkakahawig ng babae sa larawan sa pangangatawan ni Moira at mahilig din daw ito sa sumbrero.


Ganun paman ay kaagad naman na ikinumpara ng mga netizens ang suot ng babae na singsing at bracelet sa Instagram ni Moira at malayo daw ito.


Kasabay naman dito ay kumalat ang screenshot ng reply ng di umanoy facebook account ni Moira na ibinahagi din ng news outlet na Philippine star.


Kung saan ay mababasang tinanong si Moira ng isang netizens kung siya ba ang babaeng kasama ni Jason sa Instagram story nito. 


Tanong ng netizens, "Ikaw po ba ang kasama ni Jason sa myday niya? Ayehhhh...sana all my comeback."


Ngunit mabilis naman itong tinugonan ng di umanoy facebook account ni Moira na sinabing ,"Hindi po."


Ngunit mapapansin sa karamihan na mga naging komento ng mga netizens na umaasa ang mga ito na magkakabalikan pa ang dating mag-asawa na sina Moira at Jason.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo