Pia Wurtzbach May Makahulugang Payo Kay Michelle Dee

Miyerkules, Mayo 17, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng isang makahulugang mensahe ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa reigning Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee sa gitna ng kinakaharap nitong pambabatikos.


Tila hindi kasi matanggap ng ilang mga pageant fans ang pagkakatanghal kay Michelle Dee bilang Miss Universe Philippines 2023 dahil hindi umano ito deserving sa title.


Ipinupunto pa ng ilan na may mas magaling pa rito sa pagrampa at sa pagsagot sa Question and Answer portion.


Hindi rin nasiyahan ang mga pageant fans sa pagkakapanalo nito bilang Best in Evening Gown dahil napakasimple lamang ng kanyang sinuot at hindi naman umano maganda ang kanyang pagkakarampa.


May mga nagsasabi pang tila niluto ang resulta Miss Universe Philippines dahil maimpluwensyang tao ang mga kamag-anak at kaibigan ni Michelle sa mga naging judge sa competition.


Kaya naman, naglabas ng isang nakakaantig na mensahe si Pia Wurtzbach kay Michelle upang mas palakasin pa nito ang kanyang loob.


“YES!! Beautiful! I love how you stayed true to who you are and did not let pageant trends or chiefs dictate how you should be.”


Ipinunto rin ni Pia na walang mali sa kanyang performance at sana'y ipakita pa rin ito ni Michelle sa Miss Universe Stage sa El Salvador.


“It stood out perfectly! Please maintain that til Miss Universe! We want to see YOU. Michelle Dee. Dont let other “chiefs” dictate how you should represent yourself.” 


Dagdag pa niya, “As Esther advised me before, too many chiefs ruin the fun. And at this point everyone will act like an expert, even strangers. It’s YOU Michelle who’s gonna be on that stage. And thats a once in a lifetime experience. Bring the Philippines with you yes, but still be YOU.”


Pia Wurtzbach is a Filipino-German actress, model, and Miss Universe 2015 titleholder. She is one of the four Filipinas to earn the title. She is now married to travel entrepreneur Jeremy Jauncey. Ginanap ang kanilang kasal sa Seychelles.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo