Ben Tulfo Pinasaringan Si Rendon Labador, Nagkatotoo Ang Fak3 News

Miyerkules, Mayo 17, 2023

/ by Lovely


 Tila magkakatotoo na ang unang ipinuntong fake news ni Ben Tulfo tungkol sa umano'y pambabatikos niya sa mga pahayag ni Rendon Labador laban sa ilang mga sikat na artista.


Kamakailan lamang ay inalmahan ng kampo ni Ben Tulfo ang kumakalat na pahayag ni Ben Tulfo kung saan binabatikos niya ang social media personality at self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador.


Agad naman itong sinagot ni Rendon Labador at sinabing buti nalang ay fake news lamang ang kumakalat na pahayag ni Ben Tulfo dahil hindi siya pumapatol sa mga matatanda.


“Good morning! Hindi talaga ako pumapatol sa mga matatanda, buti nalang fake news,” pahayag ni Rendon Labador.


Pagsasalaysay pa niya, “Advocacy ko lang mag tama ng mga maling nakikita ko para tumalino ang mga Pilipino. Hindi ako nakikipag away, trabaho lang walang personalan.”


Subalit, naiintriga ngayon ang ilang mga netizens nang muling sinagot ni Ben Tulfo si Rendon Labador at ipinutong hindi siya pumapatol sa mga babae dahil ito ang kabilin-bilinan ng kanilang ina noong nabubuhay pa.



Samantala, hindi pa sumasagot si Rendon Labador sa tila pasaring ni Ben Tulfo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo