Mommy Divine Agaw Eksena Sa Concert Ni Sarah Geronimo!

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Jerome

 


Naging matagumpay nga ang naging concert ng popstar royalty na si Sarah Geronimo, kung saan ay makikita talaga na wala parin itong kupas, sa galing nitong kumanta.


Kitang-kita nga din sa concert ni Sarah kung gaano siya iniidulo ng kanyang mga tagahanga, dahil sa sobrang dami ng tao na nanood sa kanyang concert.


Ayon nga sa karamihan ng mga tagahanga ni Sarah na sobrang na miss nga daw nila ang tinig ni Sarah dahil medyo matagal-tagal na din daw na hindi nila na rinig ang singer sa pag-awit.


Kaya naman sulit na sulit daw ito para sa kanila, Mapapansin din sa concert na ito ni Sarah na talagang todo sa pagsuporta ang kanyang asawa na si Matteo para sa kanya.


Maging ang ina ni Sarah Geronimo ay spotted din sa concert na iyon ng popstar royalty.


Kaya naman marami nga ang natuwa sa mga tagahanga ng singer, dahil sa wakas daw ay natapos na din ang alitan at hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Sarah at ng kanyang ina.


Naging emosyonal naman si Sarah Geronimo sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay, bago niya daw na kamit ang masayang buhay na meron siya ngayon.


Nagpasalamat din siya sa kanyang mga solid suporters, na hindi siya iniwan mula noon hanggang ngayon.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo