Moira Dela Torre, Dinepensahan Ng Vice President Ng Cornerstone Entertainment

Linggo, Mayo 28, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang Vice President ng Cornerstone Management at ipinagtanggol si Moira Dela Torre laban sa mga isiniwalat na pahayag ng lyricist/composer na si Lolito Go.


Ayon sa Vice President ng Cornestone, hindi niya hahayaang sirain ni Lolito ang pangalan ni Moira Dela Torre na 20 years na niyang kilala.


Inalmahan rin nito ang naging pahayag ni Lolito na 95% sa mga kanta ni Moira ay mula kay Jason Hernandez. Ipinagdidiinan din nito ang sinabi ni Lolito na isang manggagamit itong si Moira Dela Torre.


"That statement is grossly inaccurate. Paubaya and Edsa were both composed by Jason (this is public knowledge)," saad nito.


"Actually Moira also helped in Paubaya, the other songs Ikaw at Ako, Pabilin, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Patawad, Kumpas were composed by both by Moira and Jason (Moira even gave a bigger contribution to some of those songs)."


"So as far as these songs are concerned, walang gamitan. Tawag diyan collaboration," pagpupunto nito.


"With that in mind, I would also like to add that in the almost 20 years I’ve known Moira, she would never need the service of a Ghostwriter for her songs/Compositions (which this other person is claiming na tumawad pa daw si Moira to the tune of 20k). Masyado genius si Moira to need that," pag-alma pa nito sa pagsisiwalat ni Lolito Go na tungkol sa pagpapaghost writing ni Moira.


Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre na mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. 


Sumikat si Moira Dela Torre sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. 


Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa mga netizens ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan maliban sa pag-amin ni Jason Hernandez na hindi siya naging faithful.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo