Michelle Madrigal Hiwalay Na Sa Dyowang Afam, May Kasama Pang Hugot

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment sites ang isyung naghiwalay na sina Michelle Madrigal at foreigner boyfriend nitong si Kyle.


Nag-ugat ang lahat nang magbahagi si Michelle ng ilang cryptic post sa kanyang social media accounts patungkol sa healing.


“Embracing all the feels. Y’all see me as a strong woman (which lam) but I’ve learned to fully honor my emotions when I’m not okay,” pagbabahagi ni Michelle.


Sinundan pa niya ito, "For a long time l’ve operated in a “I’m all good” mentality and it has finally caught up. Being strong and allowing yourself to not be okay is a step towards healing. You heal as you grieve.”


Sa pag-uusisa ng mga netizens, napansin nilang hindi na nakafollow at burado na rin sa kanyang Instagram account ang pictures nila ng boyfriend.


Dahil dito, lumakas ang hinala ng mga netizens na tuluyan na nilang tinuldukan ang kanilang relasyon.


Samantala, hindi pa naman kinumpirm mismo ni Michelle na hiwalay na nga sila ni Kyle.


Matatandaan na noong December 2022, ibinahagi ni Michelle sa isang vlog kung paano sila nagkita ni Kyle.


Ayon kay Michelle, una silang nagka-usap ni Kyle sa isang dating app noong katatapos pa lamang ng kanyang divorce sa dating asawa na si Troy Woolfolk.


Nakuha umano nito ang kanyang atensyon dahil pareho silang mayroong anak.


“Nandon yung pictures ng kids niya. I also had my daughter sa profile ko. You could really tell kung ano ‘yung character ng lalaki the way they are sa kids nila.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo