Grace Mondina, Minarites Kay Luis Manzano Ang Pambababae Ni Pambansang Kol0koy

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na si Grace Mondina na kilala rin bilang si Marites sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Pambansang Kolokoy.


Sa kamakailang guesting ni Grace Mondina sa programa ni Luis Manzano ikinuwento niya ang kanyang side kung bakit naghiwalay sila ni Pambansang Kolokoy.


Ayon kay Marites, nalaman niyang may babae si Pambansang Kolokoy dahil tinawagan umano siya mismo ng babae.


Gayunpaman, nagkaayos pa umano sila noon ni Pambansang Kolokoy dahil sa kanyang pagmamahal rito. Ninanais din niya buong pamilya para sa kanyang mga anak.


Subalit, kalaunan ay nalaman niyang nagkaanak pala sina Pambansang Kolokoy at nang babae nito kaya naman pinapili na niya ito.


Matatandaang bigla na lamang inamin ni Pambansang Kolokoy nitong nagdaang taon ang hiwalayan nila ni Marites. Ipinahayag pa ni Pambansang Kolokoy na may bago na siyang kinakasama ngayon at masaya na silang dalawa.


Samantala, kamakailan lamang ay inamin na nina Pambansang Kolokoy at Gladys Guevarra ang kanilang romantic relationship na una nilang itinanggi.


Gayunpaman, nananatili pa ring katanungan para sa ibang mga netizens kung si Gladys Guevarra nga ba ang tinutukoy na babae ni Marites o may iba pang babae si Pambansang Kolokoy bago ang relasyon nila ni Gladys.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo