Carla Abellana, Sunod Na Ma-eengaged?

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Ginulat ni LJ Reyes ang lahat ng biglaan niyang isiniwalat ang kanyang pagkaka-engaged.


Marami sa mga fans ni LJ Reyes ang nagpahayag ng suporta sa dating aktres at masayang nakatagpo ito ng lalaking nagmamahal at handa siyang pakasalan.


"so happy for her!!! ❤️ She deserves to be loved, the way God loves her. 😌❤️ All amazing women deserves that! Don't settle for less, ladies!"


"This is a perfect example that God heals the brokenhearted.🥹🥹👏🏻❤️ well deserved this happiness LJ!! Soooo happy for yoou!😇😇❤️❤️ he is a Blessing indeed!"


Maging ang ilang mga celebrities at dating kasamahan ni LJ sa trabaho ay nagpa-abot rin ng kanilang mga pagbati para sa panibagong pag-ibig na natagpuan niya matapos ang hiwalayan nila noon ni Paolo Contis.


Kabilang sa mga bumati kay LJ ay ang aktres na si Carla Abellana. 


Masaya si Carla Abellana na nabigyan ng panibagong pag-ibig si LJ at hangad din nito ng kasiyahan ng aktres.


Agad naman itong napansin ng ilang mga netizens at sinasabing si Carla naman ang susunod na makakatagpo ng panibagong pag-ibig in God's perfect timing.


Matatandaan, na galing rin si Carla Abellana sa isang failed marriage kasama ng dating asawa na si Tom Rodriguez.


Ginulat din nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang mundo ng showbiz nang lumabas ang balitang naghiwalay sila tatlong buwan matapos silang ikasal.


Hindi naman nila nilinaw kung ano nga ba ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan, hanggang sa panayam ni Boy Abunda kay Carla Abellana.


Ayon kay Carla, umabot na siya sa puntong punong-puno na siya at sumusubra na umano si Tom sa kanyang mga pinaggagawa.


Hindi naman idinitalye ni Carla Abellana kung ano ang totoong kasalanan ni Tom Rodriguez sa kanya na sa loob ng ilang taon nilang magkarelasyon ay pinagtitiisan ni Carla Abellana.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo