Jayson Hernandez Nagbahagi ng Qoute Tungkol Sa Pagmomove on!

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Agad na humakot ng atensyon mula sa mga netizens ang ibinahaging post ni Jayson Hernandez, estranged husband ni Moira Dela Torre.


Agad na naging laman ng usapin ang hugot na ipinahayag kamakailan ni Jayson Hernandez tungkol sa pagmomove on.


Makikita sa Instagram story ni Jayson ang isang video clip kung saan makikita siyang tumatakbo. Sa screen caption ipinahayag ni Jayson kung gaano pa kalayo ang kailangan niyang takbuhin para makapagmove on.


“Gano pa kalayo ang tatakbuhin para maka move on sayo?”


Sa huli idinagdag naman niyang nagbibiro lamang siya sa kanyang caption.


Gayunpaman, marami pa rin ang nag-iisip na patama ito sa kanyang estranged wife na tila tapos na sa moving on stage.


Matatandaan na noong nagdaang taon, ginulat nina Moira Dela Torre at Jayson Hernandez ang kanilang mga fans nang aminin nilang tinuldukan na nila ang kanilang pagsasama.


Hayagan pang inamin noon ni Jayson ang kanyang pagiging unfaithful sa pagsasama nilang dalawa.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbibigay ng anumang detalye sa kung paanong naging unfaithful si Jayson sa marriage nila ni Moira Dela Torre.


Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Jayson Hernandez matapos ang kanyang pananahimik at pagbabakasyon sa Palawan matapos ang naging hiwalayan nila ng dating asawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo