MC, Isiniwalat Ang Pagbabayad Ng Php1 Million Na Utang Ng Ex-Bf Kay Chad Kinis

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Lovely

Isiniwalat ni MC Muah sa panayam ni Ogie Diaz na minsan rin siyang naging tanga dahil sa pag-ibig.


Ibinahagi ni MC na minsan siyang nakapagbayad sa utang ng kanyang boyfriend na umabot pa sa isang milyon.


"'Yung nararamdaman ko parang ay, hindi siya makakabayad kay Chad. Kasi pinangako ko lang 2 months e. Hindi siya makakabayad, ako na nagbayad. Ako na nagbayad sa kanya, out of love," pahayag ni MC na kaagad namang sinegundahan ni Chad Kinis na siyang inutangang ng boyfriend ni MC.


"Kaya naise-share ko na kasi gusto ko nang pagtawanan nang pagtawanan. Hindi ko na dindibdib masyado. Minsan once in a while naiisip ko ba'yan naloko ako, naloko ako ng mga tao, hindi na yung ganun kasi nga hayaan mo magtatrabaho nalang ako ulit," dagdag pa ni MC.


Hanggang ngayon ay kinukuntak pa umano siya ng nasabing lalaki para mabayaran ang utang kay MC.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing pagsisiwalat ng Beks Battalion.


"nakaka proud talaga lagi ang kabayan naming si Chad, always full of wisdom and the Beks Battalion is ultimately the funniest comedy trio in the philippines today. Thanks Sir Ogie for this Interview,super fun!"


"Please learn from your lessons or each other’s lessons, be assertive, wag niyo hayaan lokohin kayo, pinaghirapan, pinagpuyatan niyo mga pera niyo, wag masyadong mabait.. more blessings to come!!!"


"Kung sino talaga yung taong malambot ang puso, sila yung bobo. Nagiging tanga talaga tayo sa mga ibang tao kasi akala natin di tayo lolokohin. Kaya natutunan ko talaga mag set ng boundaries na hindi lahat ng tao pwedeng pagkatiwalaan. Apakabuti ng mga puso nyo. Kakatuwa talaga kayong tatlo."





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo