Matinding Pagsubok Ang Pinagdaanan! Neri Miranda Humingi Ng Tulong Sa Netizens!

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Jerome

 


Viral ngayon sa social media ang paghahanag ng maybahay ni Chito Miranda na si Neri Miranda sa isang mommy nang triplets na solong tinataguyod ang kanyang mga baby matapos itong iwan ng kanyang mister.


Umabot sa misis ni Chito Miranda ang sitwasyon ng nasabing mommy na mag-isang tinataguyod ang kanyang mga anak.


Ang mommy na ito ay si  Mariz Sharmaine Matibag, siya ay 29 years old.


Matinding pagsubok sa buhay daw ang pinagdaanan ni Mariz dahil sa sumakabilang bahay daw ang kanyang mister dahil daw sa hindi na ito makuntak.


Makalipas daw ang dalawang linggo matapos manganak ni Mariz ay bigla na lamang daw na wala ang kanyang asawa.


Pahayag ni Mariz, "Nung lumabas ‘yung triplets ko, two weeks after, nawala rin ‘yung husband ko. Ako na lang talaga mag-isa. Hindi ko alam kung saan pupulutin lahat [ng] mga kailangang gastusin para sa mga anak ko."


Ayon pa sa kanyang mga ikinuwento ay labis daw ang hirap na kanyang dinanas, physically at mentally mula sa kanyang pagbubuntis.


Matapos raw kasing pumanaw ang kanyang ama ay doon lang niya nalaman na buntis siya, ngunit hindi lang isa kundi tatlong sanggol ang kanyang ipinagbubuntis.


Kaya naman labis raw ang kanyang pag-aalala, dahil sa ang ibang kaso ng ganitong pagbubuntis ay maliit ang chance ng survival ng mga sanggol.


Kaya naman doble kayud ngayon si Mariz, habang inaalagaan ang kanyang triplets ay naghahanap buhay din siya.


Ang tungkol kay Mariz ay ibinahagi ni Neri Miranda sa kanyang Instagram account at sinabi niyang gusto niyang makausap si Mariz para matulongan niya ito.


Ani, Neri, "Kung sino po ang may kakilala kay Mommy Mariz, kindly tell her po hinahanap ko po sya. Will share po Babyflo products and Moosegear diapers po sa triplets nya para kahit papaano po makabawas po sa poproblemahin nya sa gastusin. Bigyan ko rin po ng puhunan pang negosyo. At kung ano pa po ang kayang maitulong kahit papaano.."


"Mommy Mariz, isang mahigpit na yakap po. Magpakatatag ka para sa mga anak mo ❤️"


Agad naman itong umani ng samu't saring reaction at komento mula sa mga netizens, at makikita ng sa comment section ng post na ito ni Netri na puro positibo ang mga naging komento ng netizens para sa kanya, mga mensahe ng paghanga ang ipinaabot ng netizen para kay Neri Miranda at kay mommy Mariz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo