Julian Martir Nagsalita Na Sa Isyung Peke Ang Kanyang 30 Scholarship Offers

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Lovely


Julian Martir nagbigay na ng pahayag hinggil sa mga ulat na lumalabas sa social media na umano'y gawa-gawa lamang niya ang pagkakatanggap sa kanya ng 30 prestigious universities sa United States at sa United Kingdom.


Nilinaw na ng nagviral na senior high school graduate student na si Julian Martir mula sa Bacolod ang kontrobersiyang kinakaharap kung saan maraming mga netizens ang nagsasabing nagsinungaling lamang siya at pineke ang mga ipinakita admission letters mula sa iba't-ibang mga universities sa US. at UK.


“Totoo po talaga ‘yung 30 universities na in-apply-an ko po. Kahit i-email niyo pa sila nang paulit-ulit, they will give the same response,” pahayag ni Julian.


Ipinunto ni Julia Martir na hindi siya sinungaling at totoo ang lahat ng kanyang mga ipinahayag sa social media. Hiniling din niyang sana ay tigilan na ang pagpapakalat na sinungaling siya at namemeke ng mga papeles at achievements.


Kasunod ng lumabas na mga bali-balitang peke ang mga ipinakitang letters ni Julian Martir, nag-imbistiga ang News5 at ipinasuri sa mga experts kung edited nga ba ang screenshots ng mga letters na natanggap ni Julian mula sa mga prestigious schools na nag-offer sa kanya ng mga scholarship.


Nagsend din sila ng email sa mga pinangalanang Universities ni Julian kung saan kinumpirma ng ilan na totoong nakapasok nga sa kanilang admissions process ang nasabing student.


Kinumpirma na ng Ohio Wesleyan University, Alfred University, at Regis University na tinanggap nila si Julian, at nagbigay pa rito ng $23,000 hanggang $40,000 scholarship.


Ang University of Massachusetts sa Boston ay sumagot na rin para sa isang interview.


Sa huli muling hiniling ni Julian na itigil na ang pambabash sa kanya dahil wala naman umano siyang ginagawang masama.


“I hope na ma-stop na po yung mga nag-post po ng… hindi totoo about sa akin. Kasi ‘yung mga scholarships po na nagbigay sa akin, totoo po talaga po ‘yan. Ni-review po talaga nila ‘yan na need ko po yung scholarship ko as an international student.” 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo