Maja Salvador May Binahagi Sa Netizens!

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Jerome

 


Tuloy na tuloy na nga ang kasal ng actress Tv host at talent manager na si Maja Salvador sa kanyang Fiance na si Rambo Nunez, ngayong darating na July.


Pahayag ni Maja na sa tuwing week end lang daw ang inilalaan niya sa pag-aasikaso sa nalalapit na kasal nila ni Rambo na gaganapin sa isang napaka gandang lugar.


Sa pakikipag-usap ni Maja sa ilang mga miyembro ng entertainment media nitong nagdaang Lunes May 8, ay hindi parin siya masyadong nagkuwento tungkol sa kanyang nalalapit na kasal.


Aniya, "Na share ko naman sa July, yung ibang detail secret muna, but yun nga every week end yun yung mga lilipad-lipad, may mga kailangang ayusin na fifitting-fitting, siyempre ones kalang ikakasal gusto ko maayos."'


Pagbabahagi pa ng actress pagkatapos ng media conference, sa bagong sitcom nila Vic Sotto sa GMA 7 ang "Open 24/7."


Samantala, nitong kamakailan lang ay kinumpirma ng ni Rambo na destination wedding ang magiging kasal nila ni Maja Salvador.


Ngunit hindi niya nabanggit kung dito sa Pilipinas ba ito gaganapin o sa ibang bansa.


Tumanggi naman si Maja ng tanongin kung sino ang gumawa ng kanyang wedding gown.


Ang kinumpirma lang ng actress ay ang pagiging ninong ng Tv host actor na si Vic Sotto.


Samantala, nabanggit din ng actress na matagal na daw inalok sa kanya ang Open 24/7.


Kasabay nga nito ay ang pagreresign niya sa noontime show na Eat Bulaga, upang magkaroon siya ng maraming oras sa paghahanda ng kanyang nalalapit na kasal.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo