Moira Dela Torre Itinangging Nagkabalikan Na Sila Ni Jason Hernandez!

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang singer na si Moira Dela Torre hinggil sa kumakalat na larawan ni Jayson Hernandez na may kasamang babae.


Kamakailan lamang ay marami ang naintriga sa larawang ibinahagi ng singer-songwriter na si Jayson Hernandez sa kanyang Instagram stories ang larawan niya kasama ang isang babae.


Agad na namang naghinala ang ilang mga netizens na ang babae na nakasasama ni Jayson sa larawan ay walang iba kundi ang kanyang dating misis na si Moira Dela Torre.


Isa pa sa dahilan kung bakit ito ang hinala ng mga netizens dahil sa suot na singsing ng babae na hawig umano sa singsing ni Moira.


Kaya naman, may ilang fans na hayagang tinanong ang singer kung siya nga ba ang nakasama ni Jayson nang malinawan na umano sila.


Agad namang nilinaw ni Moira Dela Torre at sinagot ang nagtatanong na netizen na hindi siya ang babaeng kasama ni Jayson Hernandez sa larawan.


“Kaw po ba yung kasama ni Jason sa myday nya? Ayeeehh. Sanaol my comeback,” tanong ng isang fan kay Moira.


“Hindi po,” sagot naman ni Moira.


Matatandaan na nitong nagdaang taon isiniwalat nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez ang kanilang paghihiwalay.


Sa kanilang joint official statement, ipinahayag nilang mutual decision ang kanilang paghihiwalay. Sa isang punto ng pahayag inamin ni Jason ang kanyang pagiging unfaithful kay Moira.


"Three years ago, I married my best friend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.”


“I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.”


Samantala, patuloy naman ang pananahimik ni Jason sa kung sino ang babae sa kanyang ibinahaging larawan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo