Maggie Wilson, Nag Reach Out Sa Anak Na Si Connor Sa Isang Video!...

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Jerome

 


Dating beauty queen na si Maggie Wilson nagreach out sa kanyang anak na si Connor sa isang video.


Na antig ng beauty queen ang damdamin ng kanyang mga tagasubaybay sa social media, matapos siyang magbahagi ng isang video na dinidicate niya sa kanyang mahal na anak na si Conner.


Ibinahagi nga ni Maggie ang mga compilation ng video clips ng kanyang anak, sa pagdiriwang ng mother's day nito lamang May 14, 2023.


At inilahad din niya rito, kung gaano siya nahirapan na pagsamasamahin ito.


Dahil kinailangan pa niya munang ihinto paminsan-minsan para pigilin ang kanyang sarili sa pag-iyak habang ginagawa niya ang nasabing video.


Sa video ay maririnig siya na nagbabasa ng isang madamdaming mensahe para sa kanyang anak, sabi niya 131 days na daw ang nakalipas mula noong huli silang nagkausap at 305 na araw na din mula noong huli silang nagkitang dalawa.


Sinusubukan daw niyang tawagan at imessage ito ng maka ilang ulit, ngunit wala itong pagtugon.


Hirap na hirap na nga daw ang beauty queen pero alam daw niyang mas nahihirapan ang kanyang anak sa sitwasyon nila ngayon.


Inamin din ni Maggie na naging challenging daw mula noong naghiwlay sila ng kanyang ex-husband.


Ngunit may mga pagkakatoon parin naman daw na tinatanong niya ang kanyang sarili kung naging makasarili daw siya ng gawin niya yun.


Gayun paman ay ito ang mga bagay na gusto niyang gawin, dahil sa gusto niya na magkita silang muli ng kanyang anak dahil na rin sa tagal ng pangungulila niya rito.


Naikuwento pa ni Maggie na sinabi niya noon sa kanyang anak na kailangan nitong maging matatag, at ihanda ang sarili kahit talagang napakabigat na hilingin niya ito sa bata.


Ayon pa sa kanya na wala daw araw o oras na hindi niya ito na iisip at sa bawat araw daw na hindi niya ito kasama ay parang nadudurog ang kanyang puso.


Araw-araw din niyang ipinagdadasal ang kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na anak.


Aniya sa kanyang caption ng kanyang post,It took me several days to put this video together. I was meant to put it up yesterday. It wasn’t easy as I needed to take one too many minutes to stop, collect myself and find other means to distract myself, to stop myself from crying. I could barely get through making it. Things are sometimes different from what it seems."


Dagdag pa niya, "To everyone involved think about an eleven-year-old boy in the middle of all this and do what is right. My son has been put through far too much. I have been blocked. I ask that if you see my son, tell him he is loved, and if you can, show him this video. I will be forever grateful if you could find in your hearts to do so."


Komento naman ng business partner ni Maggie na si Tim Connor, "I'm sorry things get tough sometimes between us, we got this and will always be here for you however challenging things gets."


Umani naman agad ito ng mga mensahe ng pagyakap mula sa mga netizens at sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo