Kapatid Ni Ethel Booba, Tinawag Na Unprofessional Ang Family Feud

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang pagpapasaring ni Ethel Booba sa isang show na ilang beses nang nag-cancel ng taping.


Ayon kay Ethel dalawang beses na umano itong nag-reschedule ng taping, na naging malaking perwisyo para sa kanya dahil kinailangan pa umano niyang bumili ng dalawang plane tickets.


“Pabook kayo ng pabook ng sked ng taping! Tapos ireresked nyo! Alam nyong Hindi kami available sa date na gusto nyong taping!!! 2 beses na Yan ah!!! Naka-ilang plane tiket na kMi kabibili ng tiket! Hindi nyo Naman nirerefund!”


“NAKAKALOKA kayo! itigil nyo na yang gameshow nyo!” pahayag ni Ethel.


Pinag-ugatan ito ng samu't-saring komento at spekulasyon sa kung anong show ang tinutukoy ni Ethel na ilang beses nang nagkansel ng taping.


Samantala, nagbigay ng komento ang kapatid ni Ethel Booba na si Virnard Gabison at hayagang binanggit na ang show ni Dingdong Dantes.


Ipinahayag din niya ang pagiging unprofessional ng nasabing show sa hindi pag-iisip sa kapakanan ng kanilang guests sa pagpaparesched nila sa kanilang taping.


“Danyos perwisyo na yan ginagawa nyan game show sa inyo. Mga unprofessional mga staff dyan sa game show ni Dingdong.”


Sa kabilang banda, hindi pa rin nagbibigay ng opisyal na pahayag ang pamunuuan ng Family Feud hinggil sa pahayag ni Virnard.


Hindi rin tukoy kung matutuloy pa ba ang guesting ni Ethel Booba sa Family Feud.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo