Coco Martin at Lovi Poe Sumabit Sa Likod Ng Jeep Sa Quiapo Habang Papunta Sa Taping!

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Jerome

 


Viral na viral ngayon ang ABS-CBN Batang Quiapo main stars na sina Lovi Poe at ang actor director na si Coco Martin.


Ito ay matapos nilang sumabit sa punong-puno na jeep sa Quiapo, nitong nakaraang araw lang.


Kasama din nila ang iba pang mga cast ng Batang Quiapo na mga tropahan din ng character ni Coco Martin bilang si Tanggol sa nasabing teleserye.


Ginawa nila ito habang pa punta sila sa lokasyon ng kanilang pagsho-shootingan, para sa isang eksenang kanilang gagawin.


Makikita nga sa kuhang mga larawan at video na walang mga safety equipment na nakakabit sa kanila, at makikitang talagang literal na sabit talaga ang kanilang ginawa.


Sa ngayon nga ay pinagkakaguluhan nga ng mga netizens ang mga character nina Coco at Lovi, sa serye ng Batang Quiapo bilang sina Tanggol at si Mokang.


Na ngayon nga ay tila nagsisimula ng magka-inlove-ban sa isa't-isa.


At ng makarating na nga sila sa lokasyon ng kanilang shooting ay makikita at maririnig sa video ang kawayan at hiyawan ng mga taong kanilang dinaanan habang sila ay naglalakad patungo sa lugar ng pagsho-shootingan nila.


Makikita mo talagang sobrang ganda nga ng Batang Quiapo, bukod kasi sa starstuded, at unique din ang mga cast nito.


 Ay mismong sa Quiapo talaga sila nati-taping at hindi sa isang controlled studio, dagdag pressure nga ito sa kanila dahil sa maraming mga netizens nga ang nakikiosyuso  na nanonood sa shooting nila.


Pero bilang mga propisyonal ay maayos at magaling naman na ginagampanan ito nina Coco Martin at Lovi Poe at maging ang ibang mga kasama nilang cast sa teleserye ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo