Linyahan ni John Estrada sa ‘Batang Quiapo,’ Base Sa Totoong Ganap Sa Buhay!

Miyerkules, Mayo 3, 2023

/ by Lovely


 Napansin ng ilang mga marites sa social media ang mga linyahan umano ngayon ni John Estrada bilang si Rigor sa kinabibilangang teleserye ng ABS-CBN na FPJ's: Ang Batang Quaipo na kasalukuyang pinapalabas ngayon ng ABS-CBN.


Natatawa na lamang ang ilang mga netizens sa napansing tila patutuhanan na ang mga linyahan at hugot ni John Estrada sa show.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nag-viral ang mga hanash ng asawa ng aktor na si Priscilla Meirilles hinggil sa pagiging unfaithful ng asawa.


Umabot pa sa punto na may nadamay nang isang content creator na mula sa Cebu.


Agad namang nilinaw ng babae na walang namamagitan sa kanila ni John taliwas sa pinaniniwalaan umano ng misis nito.


Samantala, ibinahagi ng official Facebook page ng “iWantTFC” ang naging mga pahayag ni “Rigor,” karakter ni John, na ayon sa mga netizen ay tila true-to-life na raw.


Ayon sa storyline ng teleserye, “natukso” si Rigor at may nangyari sa kanila ng kasamahang pulis na ginagampanan naman ni Mercedes Cabral. 


Ang misis naman ni Rigor ay si Marites na ginagampanan naman ni Cherry Pie Picache.


“Nagsisisi ako sa maling nagawa ko. Natukso lang ako. Napilit. Ayokong saktan ang asawa ko,” saad ng karakter ni John Estrada sa serye.


“Hindi niya dapat malaman ang nangyari. At ipinapangako ko, hindi na ‘yun mauulit.”


Agad naman itong umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens na nakapansin na tila sinadya umano ang naging linyahan ni John sa nangyayari sa kanyang buhay ngayon.


"Thw design is very jhon estrada"


"Rigor..Yan ung nagkamali lang tlga kasi me malandi...pro ung uulit ulitin pa...aww John real life n yan."


"The design is very CHEATER"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo