Kathryn Bernardo At Daniel Padilla May Sign Nang Susunod Na Ikakasal!

Miyerkules, Mayo 3, 2023

/ by Lovely


 "Ito na ang sign!" pahayag ng mga KathNiel fans matapos kumalat ang video na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nakasalo sa bouquet of flowers at garter sa naganap na kasal nina Direk Cathy Garcia at partner na si Louie Sampana na isang cinematographer.


Karamihan sa mga dumalo sa naturang kasalan ay ang malalapit na kaibigan at alaga sa showbiz ni Cathy Garcia, kabilang na ang magka loveteam at magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Makikita rin sa ilang kumakalat na video mula sa kasalang naganap ang ilan sa cast members ng pelikulang “Hello Love Goodbye” na sina Joross Gamboa, Jeffrey Tam, at ang isa sa mga bidang si Alden Richards.


Naroon din sa ceremony ang mga batikang aktor na sina Ian Veneracion at Janus Del Prado.


Makikita rin sa ilang kumakalat na video na ang pagkakasalo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa flowers at garter.


Matatandaan, na ayon sa mga sinaunang paniniwala na ang makakasalo sa flower ng bride ang siyang susunod na ikasal.


“DJ, nakuha, pa’no ba ‘yan? DJ!” sigaw ng isang lalaki, na tila si Jeffrey o si Joross.


“Bukas na bukas din,” sagot naman ni DJ.


“Dito na rin set-up natin,” dagdag na hirit pa ng aktor.


Dahil sa nangyari sa kasal ni Direk Cathy, nadagdagan ang paniniwala ng mga KathNeil Fans na talagang meant to be ang dalawa.


Bagama’t matagal nang magkasintahan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, wala pang balita kung kailan magaganap ang engagement o kasalan nila. Sa ngayon, magiging abala sila sa kani-kanilang solo projects. Kung saan maaari silang mai-pair sa ibang mga artist.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo