Lee O'Brian Inamin Na Mahal Pa Rin Si Pokwang

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


Inamin ni Lee O’Brian na hindi pa rin nawawala ang kanyang pagmamahal sa dating kinakasama na si Pokwang sa kabila ng mga batikos na natanggap niya mula sa rito.


Sa nagamap na media conference ng kinabibilangang nitong pelikula na pinamagatang Sandwich hayagang sinagot ng American actor ang ilang mga katanungan ng press tungkol sa mga pambabatikos sa kanya ni Pokwang.


Matatandaan na bigla na lamang binatikos ng komedyanteng si Pokwang ang dating kinakasama nang makarating sa kanya ang balitang may bago ng girlfriend si Lee.


Ilang beses din ipinahayag ni Pokwang na tamad ito at hindi man lang gumagawa ng paraan upang makapagsustento sa kanilang anak na si Malia.


Isiniwalat pa ni Pokwang na maging ang pagbakasyon nina Lee at Malia sa Amerika ay siya pa ang gumastos.


Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng mga natanggap niyang banat mula kay Pokwang, inamin pa rin nitong may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para rito dahil ito parin ang nagdala sa kanyang anak dito sa mundo.


“All I can say is, I love my daughter more than anything in this world. And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world,” pag-amin ni Lee.


Umaasa pa rin umano si Lee O'Brian na balang araw ay magkakaayos sila ni Pokwang at mawala na ang galit nito sa kanya.


Samantala, agad na sinagot ni Pokwang ang mga pahayag ni Lee O'Brian at sinabing ginagamit pa rin nito ang kanyang pangalan sa pagpromote ng kanyang kinabibilangan na pelikula. Tinawag rin niya itong plastik sa pagbati nito sa kanya noong Mother's Day.


"Sabi ko sa inyo e may putchung roll sya sa movie kaya biglang nag greet ng happy mother’s day ang gunggong e. samantalang dalawang taon na never bumati yan kahit birthday ko, mangagagamit talaga,” bwelta ni Pokwang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo