Pagpo-post ni Jinkee Pacquiao Ng Lavish Lifestyle Sa Gitna Ng Kinakaharap na Kaso Ni Manny Pacquiao, Pinupuna Na

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Lovely


 Isa sa mga napag-usapan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng kanilang vlog, Showbiz Now Na ang pagpopost ng asawa ni Manny Pacquiao sa kanyang lavish lifestyle sa kabila ng pagkakatalo ni Manny sa kaso laban sa Paradigm Sports Management.


Matatandaan na nauna nang naiulat na pinabayad si Manny ng mahigit 280 million dahil sa paglabad nito sa kanilang kontrata.


Kasunod nito naging sunod-sunod naman ang pagbabahagi ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram account ng kanyang mga luxury items na siyang ikinapuna ng mga netizens.


Ayon sa ilang mga netizens, hindi umano napapanahon ang pagbabahagi ni Jinkee sa kanyang lavish lifestyle ngayon kinakaharap ni Manny Pacquaio ang isang lawsuit.


"May problema na nga si Senator Manny pacquiao, dahil sa demanda sa kanya sa Amerika. Siya, wala namang ginawa kundi mag-post ng kung ano-ano," pahayag ni Romel Chika.


"Habang si Senator Manny Pacquiao ay humaharap sa isang asunto sa Amerika siyempre sa nagdemanda sa kanya Paradigm Sports management."


"Wala naman daw pong ginagawa si Jinkee kundi ang mag-post nang mag-post ng kanyang mga branded products. Mga stuff na kung tutuusin ay hindi na hinihingi ng panahon," dagdag pa nito.


May nakapansin din na tila nasa bahay lang naman si Jinkee subalit kung pumorma ay parang rarampa umano at may sukbit-sukbit pang bag.


Gayunpaman, sa pananaw nina Cristy Fermin na baka pinapakita lamang umano ni Jinkee Pacquaio na sa kabila ng hinaharap na lawsuit ni Manny ay mapera pa rin sila at hindi natitinag.


"O baka ito'y psywar kumbaga. O sige, birahin niyo nang birahin yang asawa ko na ganito ang kailangan niyang ibalik sa paradigm. Eto kami maayos kami, Kahit anong mangyari may pera pa rin."


Samantala, marami ang naghihintay sa magiging resulta ng paglilitis na gaganapin sa darating na June para sa kasong isinampa ng Paradigm Sports laban kay Manny Pacquiao.


"Kasi sa June na po ang susunod na hearing Ito po ang pagkakataon ng MR ng dating senador At dito raw po nila ilalatag ang kanilang mga dahilan at katwiran kung bakit siya umalisa sa paradigm ng mga panahon na 'yun. Tingnan natin kung mababaliktad yung unang desisyon na inilabas ng mga jury," chika ni Manay Cristy Fermin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo