John Arcilla ‘Pum5naw’ Na, Netizens Napasigaw!

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Lovely


 Labis na ikinagulat ng mga manonood sa hit teleserye na Dirty Linen ang pagpanaw ng karakter ni John Arcilla bilang si Carlos Fiero.


Batay sa kamakailang episode ng Dirty Linen, may nakuha silang sunog na katawan ng tao na pinaniwalaan nilang si Carlos, dahil suot-suot ng bangkay ang paboritong relo ni Carlos.


Dalang-dala naman ang ilang mga netizens sa 'pagkamatay' ni John Arcilla sa Dirty Linen at napost sila sa social media.


“bakit namatay ka sa dirty linen?”


“nakakastress, dapat nun nasunog tumakbo ka pa kesa tumawag kay Leona” ilan lamang sa reaksyon ng mga netizens.


Agad namang natuwa si John Arcilla sa reaksyon ng mga viewers sa kanyang pagpanaw sa palabas at sinagot ang mga nagtatanong.


Ibinahagi rin niya sa kanyang sariling Instagram account ang reaksyon ng publiko.


“Hehe ka-touch lang po na KUNG GAANO NILA KA WISH DATI NA MAMATAY NA SI HIPOLITO sa FPJ AP, our followers are wishing for Carlos Fiero na sana Buhay pa. SALAMAT naman po sa mga NAGMAMAHAL. Lets keep on watching DL! Salamat po and HAPPY WEEKEND! God bless everyone!” caption ni John sa kanyang Instagram post.


Samantala, marami ang naniniwalang hindi naman umano totoong namatay ang karakter ni John Arcilla sa Dirty Linen. Nagpapahinga lamang umano ito dahil may gagawing project si John Arcilla kasama si Daniel Padilla.


“Di ka pa patay Carlos, feel ko may taping lang kayo ni Supremo DP. Di sapat na mamatay lang kayo, dapat niyo munang maranasan ang hirap na pinadama niyo kila Alexa, Abe, Lala, at Max.”


“I think d sya patay kasi d sya nagpaalam at nagpasalamat sa social media nya.”


“KAMI NAMAN NANG KASAMA KO TAWANG TAWA KAMI LAGI SA ‘GAADDAAAMMIIITT’ PAG YAN MARIRINIG NAMIN TAWANG TAWA NA KAMI KAYA AYUN MINSAN NAPA ‘GAADAAMIITT ‘ NA RIN KAMI , NAHAWA NA.”


“Mag unsubscribe na ko sa iwanttfc. wala na si Carlos Fiero. Gaddammit gaddammit gaddammit!”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo