Jessy Mendiola Huli Sa Cctv Ang Ginagawa Ni Luis Sa Anak!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Jerome


Maraming mga netizens ang naka relate sa ibinahaging CCTV footage ng actress na si Jessy Mendiola sa kanyang Instagram story.


Makikita sa video ang isang nakakaantig sa damdamin na video ng mag-ama na masayang nagkukulitan.


Ayon nga sa caption ng post ng actress, na kagigising pa lamang niya ng icheck niya ang CCTV monitor ni baby Peanut.


Agad naman daw na nakita ni Jessy si Luis na makikitang nakikipag-usap sa kanilang anak.


Bagama't walang kasamang Audio ang nasabing video ay kitang-kita naman na sarap na sarap sa pagkukuwentohan ang kanyang mag-ama.


Mapapansin din sa video na tila seryoso naman ang kanilang anak habang nakikinig sa mga sinasabi ni Luis.


Reaction naman ng mga netizens, na good vibes daw ang dala ng mag-ama.


Dagdag pa ng isa, mapapansin din daw na tila marunong na daw makipag-usap itong si baby Peanut, dahil nakikipag eye contact daw ito sa ama kapag nagsasalita ni Luis.


Ayon naman sa caption ni Luis, na nakikipag negosasyon daw muna siya sa anak bago umalis para magtrabaho.


caption niya, "Negotiations bago umalis ng bahay para mag trabaho, kelangan lambing muna. Buti pumayag naman. Pwede umalis basta lambing daw agad paguwi ❤️"



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo