Antoinette Taus Nilinaw Na Ang 'Di Mamat@y-Mat@y Na Tsismis Sa Pagpunta Niya Noon Sa US!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nilinaw ng dating aktres na si Antoinette Taus ang hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa kanyang pagpunta sa US.


Sa kanyang pag-guest sa YouTube vlog ni Camille Prats, muli niyang pinabulaanan ang di mamatay-matay na isyu at ibinahagi na niya ang tunay na dahilan sa pagpunta nila sa States.


Ayon sa kanya, pumunta lamang sila noon sa US upang tuparin ang kanyang pangarap. Maging ang kanyang kapatid na si Tom ay nadadamay na rin sa isyu.


Dagdag pa niya, mabuti na lang at ginawa nila iyon dahil maagang natuklasan na may sakit ang kanilang ina at nakasama nila ito sa nalalabing panahon nito bago ito pumanaw.


Ipinahayag din ni Antoinette na ang kanyang ina ang naging inspirasyon niya sa pagsisimula ng kanyang non-profit organization na Planet CORA (Communities Organized for Resource Allocation).


Si Antoinette Cherish Flores Taus aka Antoinette Taus ay isang Filipino-American television/movie/theater actress, singer, host, commercial model, UNEP Goodwill Ambassador at Founder ng non-profit organization na CORA Philippines. 


Naging ABS-CBN artist siya mula 1992 hanggang 1997 at lumipat sa GMA Network mula 1997 hanggang 2004.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo