Heart Evangelista, May Sweet Message Sa Asawang Si Sen. Chiz Escudero

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres at fashion socialite na si Heart Evangelista ang kanyang appreciation message para sa mister na si Sen. Chiz Escudero.


Noong nakaraang taon, napabalitang hiwalay na ang Kapuso actress na si Heart Evangelista at ang asawa nitong si Senator Francis “Chiz” Escudero. 


Wala silang kinumpirma tungkol dito hanggang sa kalaunan ay tila naayos na nila ang mga bagay-bagay sa kanilang relasyon.


Inamin naman ni Heart na mayroon siyang pinagdadaanan personal noong mga panahong iyon. Hindi naman niya nilinaw kung ano ang kanyang pinagdadaanang personal at patuloy lamang ang pananahimik.


At ngayong taon, inakala ng mga netizens na sa wakas ay nagkasundo na sila dahil ilang beses na silang magkasama sa mga bakasyon. Palagi na rin niya itong ipinopost sa kanyang mga social media account. 


Sa isang kamakailang panayam, ibinahagi niya ang ilan sa kanyang mga saloobin.


Napagtanto niya na anuman ang katayuan ng isang tao, kailangan pa rin niyang dumaan sa mga paghihirap. 


Isa sa mga bagay na gusto niya sa kanyang asawa ay palaging iginagalang nito ang kanyang mga desisyon at sitwasyon sa buhay.


Samantala sa kamakailang post ni Heat, ipinahayag niya ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang asawa. 


Sa kanyang post, ibinahagi niya ang isang serye ng mga larawan ng magkatugma nilang mga OOTD sa Paris.


“Appreciate you learning about the things I love," caption ni Heart sa kanyang post.


Napansin naman ng ilang mga netizens na tila nahahawa na umano ngayon sa pagiging fashionista ni Heart Evangelista.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo