Cristy Fermin, Palagay Na Tahimik Nang Naghiwalay Sina Liza Soberano At Enrique Gil

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Muling naging laman ng usap-usapan nina Manay Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute ang celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil.


Ayon kay Manay Cristy Fermin, malakas ang kanyang hinala na tahimik na naghiwalay na ng tuluyan ang LizQuen kasunod ng pananahimik nila sa mga isyu ng isa't-isa.


Ilang beses na rin umanong napapansin ni Manay Cristy Fermin na hindi na binabanggit ni Liza ang pangalan ni Enrique sa kanyang mga naging guestings at interview.


Isa sa pinagbabasehan ni Cristy Fermin ay ang naging interview ni Liza Soberano sa South Korea kamakailan lamang.


"Malapit na pumutok 'to eh. Ayaw lang nilang magsalita pero I'm sure may nagaganap. Saan ka naman nakakita? Nagpa-interview sa Korea itong si Liza Soberano, ni hindi siya binanggit bilang ka-love team, o diba?"


"Dun sa unang patutsada nitong si Liza Soberano, parang ikinahiya pa niya na siya ay nakipag-love team diba? Nasan ang espesyal na presensya ni Quen para sa kanya? Eh di wala," prangkang opinyon ni Cristy Fermin.


Isa pa sa kanilang pinagbabasehang wala nang ugnayan sina Liza Soberano at Enriique Gil ay ang patuloy na pananahimik ng aktor patungkol sa kinakasangkutang isyu ni Liza Soberano.


"Yung di pagkibo, yung di pagsasalita ni Quen, tungkol kay Liza. Giveaway na yun eh diba? Yun parang 'I don't care anymore' attitude," she pointed out. At one point, Cristy even said, "Palagay ko ano na 'to, wala na talaga 'to."


Matatandaan na nitong nagdaang taon, 2022 bigla na lamang lumabas ang balitang hindi na nagrenew si Liza Soberano ng kontrata sa kanyang dating manager na si Ogie Diaz.


Nasangkot naman sa kontrobersiya si Liza Soberano ng ilabas niya ang kanyang vlog ang mga tila hinanakit niya sa kanyang nagdaaang management.


Marami ang nagsasabing napaka ungrateful nito, ingrita at kung anuu-ano pang pambabash sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo