Gabbi Garcia Tumawag Kay Julia Barretto Tungkol Kay Joshua Garcia!....

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Jerome

 


Actress na si Gabbi Garcia nagpaalam sa kaibigan na si Julia Barretto tungkol sa actor na si Joshua Garcia.


Sa naging guesting kasi ni Gabbi sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk ay natanong ang actress, kung kinuntak niya ba ang kaibigan na si Julia Barretto tungkol sa dating kaloveteam at dating nobyo ni Julia na si Joshua Garcia.


Lalo na raw at magkatambal ngayon sina Joshua at Gabbi sa isang teleserye na ang "Unbreak My Heart."


Sagot naman ni Gabbi ay bago pa daw siya umalis pa puntang Europe para sa shooting ng nasabing serye ay tinawagan daw muna nito ang kaibigang si Julia Barretto.


Para malaman daw nito ang tungkol sa proyekto nila ng actor na si Joshua Garcia.


Aniya, "Siguro values ko lang din as a woman and as her friend. I called her as a respect, delicadeza lang for me na , oh I'm ganna be working with Josh for this project."


Napatawa naman daw, ang naging reaction ni Julia Barretto sa pagtawag ng kaibigan.


Sagot naman daw ni Julia, "Oh my God Gabbi. You don't have to call me. You don't have to even tell me, just go!"


Mula noong Highschool pa lamang daw ay magkaibigan na sina Julia at Gabbi at hanggang ngayon ay sobrang malapit parin silang magkaibigan.


Sa ngayon nga ay maraming kinilig sa tambalan nina Gabbi at Joshua Garcia, na ayon pa sa karamihan ay may chemistry daw ang dalawa.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo