David Licauco at Barbie Forteza, Magkasama Sa South Korea

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Nagbubunyi ngayon ang mga BarDa fans, dahil nagsimula na ang taping ng panibagong project na kanilang pagbibidahan.


Magkasamang nagtungo sa South Korea sina David Licauco at Barbie Forteza upang masimulan na ang shooting ng panibago nilang teleserye.


Sina Barbie at David ay bibida sa teleseryeng That Kind Of Love na mapapanood rin sa ibang bansa.


Samantala, sa naganap na panayam sa kanilang bago nagpunta sa South Korea parehong ipinahayag nila ang kanilang excitement sa panibago nilang teleserye.


Matatandaan na unang nagkasama sa iisang proyekto sina Barbie Forteza at David Licauco sa hit Kapuso teleserye na Maria Clara at Ibarra.


Kung saan kinakiligan ng maraming manonood ang mga karakter nila bilang Fidel at Klay. Mula noon marami na ang nag-aabang sa kanilang mga kilig moments sa teleserye.


Samantala, nauna nang naiulat ang pahayag ni David Licauco, na hindi siya sigurado sa nararamdaman ni Jak Roberto patungkol sa love team nila ni Barbie.


Si Jak Roberto ang long time boyfriend ni Barbie Forteza.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo