Dingdong Dantes, Ipinakita Ang Tunay Na Kagandahan Ni Marian Rivera!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Lovely


 Isa sa pinakasikat at matagumpay na loveteam sa mundo ng showbiz sa Pilipinas, ang tambalang DongYan.


Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera rin ang tinaguriang Kapuso Primetime King At Queen, kung saan halos lahat ng pinagbibidahan nilang teleserye ay nakakakuha ng malaking rating.


Sa kabila ng ilang taon, paghinto ni Marian Rivera sa paggawa ng mga teleserye at pelikula hindi pa rin nababawasan ang kanyang mga tagahanga.


Samantala, nitong May 1, 2023, kasabay ng pagugunita sa araw ng mga Mangagawa, nag-flex si Dingdong Dantes ng raw picture ng kanyang misis na si Marian Rivera na busy sa pagbabalot ng mga giveaways na ipamimigay umano nila sa kanilang mga employees sa kanilang company.


Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay parehong mayroon mga negosyo. Si Marian ay mayroong sariling flower shop habang si Dingdong naman ay may delivery business.


“Good morning to this incredible woman who runs our household. Despite it being a holiday today, I woke up a little later than usual and saw her downstairs, busy with something. As I made my way to the living room, I saw her packing goodie bags for our company party tonight!”


“Let’s give a shoutout to all the amazing homemakers out there who work tirelessly to make their homes a comfortable and loving place.”


“And happy Labor Day to all the hardworking individuals, regardless of what kind of work you do—who strive to make a difference every day!,” caption ni Dingdong sa kanyang Instagram post.


Samantala, kaagad namang hinangaan ng mga netizens ang ibinahaging no filter at no make-up look ni Marian Rivera.


Ayon sa ilang mga netizens na maituturing na tunay na maganda si Marian Rivera hindi lamang sa pagiging maganda sa kanyang pisikal na anyo kundi sa pagiging magandang maybahay niya.


Marami rin ang naiingit sa aktor dahil hindi lamang ito nagkaroon ng magandang misis kundi napaka responsable din umano nito at napakamaalaga.


“Houses and wealth are inherited from parents, but a prudent wife is from the Lord. Proverbs‬ ‭19‬:‭14‬ ‭NIV‬‬.”


“Kaya nga Ultimate Crush ko sya not just for having a pretty face but to her personality also! Being sweet, sincere and hardworking.”


“Yan!!! Ganda mo with no make up high school peg lang!!!”


“I’m not a fan but an admirer. Your wife is an epitome of the word itself. I’m just hoping all women who dream of being a wife in the future know that being one is not an easy task nor a title. It’s hard work based on love…”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo