Xander Arizala, Ipinaliwanag Kung Bakit Labis Siyang Nasaktan Sa Nangyari Sa Binyag Ng Anak!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Lovely


 Ipinaliwanag na ni Marlou Arizala aka Xander Ford kung bakit hindi niya napigil ang pagrarant sa social media hinggil sa naganap na binyag ng kanyang anak na si Baby Xeres.


Kahapon, dismayadong ibinahagi ni Xander Ford na hindi dumating ang mga inaasahan niyang bisita sa naganap na binyag ng anak.


Sa isang punto ng post ipinahayag pa niyang kunti lamang umano ang dumalo sa nasabing event dahil hindi na umano sila sikat.


Kaya naman, nilinaw na ngayon ni Xander kung bakit labis ang kanyang pagkadismaya sa nangyari.


Ibinunyag ng social media star na ang mga nagboluntaryong maging ninong at ninang ni Xeres at inaasahang dadalo sa nasabing event ang hindi pumunta.


Hindi rin umano sila tinawagan ng mga ito na magbaback-out sila sa pagiging godparents ng bata, na labis niyang ikinadismaya.


“Duon sa mga taong nag prisinta na maging ninong at Inaasahan naming nanduon sa simbahan Dahil nakalista pangalan sa mga babanggitin ng pare sila yung wala."


“pero ok lang naman sa akin na hindi kayo makakaatend na iintindihan ko po pero sana Nung una palang po sinabe nyo na po sa amin kasi Nahihiya din kami duon sa mga taong Umaasa na kasama kayo At Syempre sa Isang araw na Kasiyahan ng Anak ko,” pagbabahagi ni Xander Ford.


Bukod pa sa nasabing post ni Xander, ibinahagi rin niya ang isang video clip kung saan naluha siya sa pagkadismaya sa nangyari.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Xander Ford.


"Mahalaga nakaraos na kayo sa binyag. Welcome to the christian world baby xeres"


"Ok lang yan wag ka mgalit atleast importante ay nabinyagan na anak mo nairaos na ang binyag , ganun talaga ang buhay basta focus lang sa goal"


"Yun Ang nkakabwisit, nagprisinta tas ending Hindi pupunta. Pero hayaan na Ang mahalaga naman is nabinyagan si baby Xeres."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo