Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Nakakuha Muli Ng Papuri Habang Pauwi Ng Pilipinas!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Jerome

 


Nagpunta sa Singapore ang sikat na magkasintang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para manood ng 2023 golf league.


Kasama din ng magkasintahan sa panonood ng golf ang kanilang mga kaibigang artista na sina Joshua Garcia at ang magjowang sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.


Sa ngayon ay nakabalik na sa Bansa ang KathNiel, at sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas ay pinuri naman sila ng isang netizen na nakasabay nila sa eroplano, na nagngangalang Clarence Aytona.


Ayon sa facebook post ni Clarence, ay napansin niya daw ang pagiging marespeto, mabait at palangiti ng KathNiel sa mga crew ng eroplano at maging sa ibang mga pasahero nito na kanilang kasabay sa flight.


Saad niya, "Flying home to Manila from Singapore, I met for the first time two of the biggest young stars in the Philippines, Kakampink actor and an avid golfer Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. I just noticed that they were very accomodating and respectfull to everyone."


Dagdag pa niya, "Smiling and saying please and thank you to the airline crew. Never get tired of people who wanted to take photos with them. Maganda pagpapalaki ng magulang nitong mga batang ito."


Matatandaang hindi lang ito ang unang pagkakataon na pinuri ang dalawa, dahil lageh na silang nakakatanggap ng papuri mula sa mga netizens noon paman.


Yan ay dahil sa busilak ang kanilang mga kalooban at mabubuti silang tao, at dahil na din sa magandang pag-uugali nila sa kabila ng kanilang kasikatan.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo