Jake Zyrus, Tigil Social Media Muna Para Makapag-focus Sa Kanyang Pagpapagaling

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng singer na si Jake Zyrus formerly known as Charice Pempengco na magpapahinga muna siya maging sa social media upang mapagtuunan ng pansin ang kanyang mental health.


Nais muna umano niyang magpagaling mentally mula sa mga pinagdaanan bashing mula sa mga netizens sa social media.


“Hi all! I know I don't post a lot, but I just wanted to let you guys know that I'll be taking a break from social media for a few weeks to focus on my mental health.”


Isiniwalat rin ni Jake Zyrus ang pinagdaanang rough rides at kamakailan lamang mas dumarami ang mga taong gusto siyang sirain mentally.


“It's been a rough ride. A lot of people have tried to break me, so this is me fighting back, by healing.”


“I know it’s not gonna be easy, but I also know it will help me a lot," dagdag pa ni Jake Zyrus.


Sa huli, nagbigay rin ng mensahe si Jake Zyrus sa lahat ng mga may kaparehong sitwasyon sa kanya. Ayon kay Jake Zyrus, hindi masama ang magpahinga.


"If you're looking for a sign to also take a break because it's been a lot for you, this is it. Let's do this together.”


Si Jake Zyrus, formerly known as Charice Pempengco ay isang kilalang singer ng Pilipinas. Sumikat siya dahil sa taglay niyag galing sa pagkanta.


Nakilala si Charice Pempengco sa buong mundo at nakasama pa sa iisang stage ang mga sikat na international singers.


Subalit, tila nawala ang lahat ng kasikatang tinatamasa ni Charice Pempengco nang baguhin niya ang kanyang sarili maging ang kanyang pangalan bilang Jake Zyrus.


Marami rin ang nagsasabing nag-iba na ang timbre ng boses ngayon ni Charice at hindi na naabot ang matataas na notes.


Kamakailan lamang, ay ipinahayag din ni Jake Zyrus ang kanyang pagkadismaya sa mga taong pinipilit umano siyang ilabas ang muli ang dating boses ni Charice.


Ipinagdidiinan niyang wala na si Charice Pempengco at impossible nang maibabalik pa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo