Coco Martin Isang Malaking Duwag Dahil Binawi Ang Inaming Relasyon Nila ni Julia

Linggo, Mayo 28, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nadismaya ngayon sa actor-director na si Coco Martin dahil sa pagbawi na naman umano nito sa inaming relasyon nila ng aktres na si Julia Montes.


Matatandaan na kamakailan lamang ay inamin nina Julia Montes at Coco Martin sa isang panayam na labing dalawang taon na silang nagsasama.


Nilinaw pa ng reporter kung kailan ang kanilang anniversary na sinagot naman ni Julia na 2011.


Subalit ng kwentahin ng mga netizens ang edad ni Julia ay napagtanto nilang under age pa lamang ito noong 2011. Dahil dito nakatanggap na ng kaliwa't-kanang pambabatikos ang aktor at inakusahan pang isang groomer.


Maging ang ABS-CBN ay nabatikos rin dahil sa pagtatambal sa dalawa noong under age pa lamang si Julia at sa pagkunsinte umano sa kanilang 'relasyon'.


Dahil sa bashing na natanggap, kaagad na naglabas ng pahayag ang ABS-CBN kung saan nilinaw nilang hindi romantic relationship ang tinutukoy ni Coco Martin at Julia Montes sa kanilang naging pahayag kundi ang kanilang working relationship.


Matatandaan na noong 2011 unang nagkasama sina Julia Montes at Coco Martin sa teleseryeng Walang Hanggan.

“Ano ba naman ‘yung hindi na ninyo binawi ‘di ba? Anong masama doon? Inamin n’yo na magkarelasyon kayo ng 12 taon na, oh ‘di ba nakakatuwa naka-12 years na kayo at sabi pa ni Coco, ‘Gustong-gusto pa rin naming magkasama kami’. Eh binawi," dagdag pa ni Cristy Fermin.

Kaya naman ay ipinahayag mismo ni Manay Cristy Fermin sa Showbiz Now Na ang pagiging duwag ng aktor.


“Kaya ganoon na lamang ang kaligayahan ng ating mga kababayan na hindi nakakaalam ng kuwento dahil umamin na sila lalo na si Coco kaya ang komento ng kababayan natin ngayon, ‘Matapang lang ang role mo sa pelikula at teleserye pero hindi ka matapang humarap sa katotohanan’, ‘yun ang nababasa nating mga komento,” saad ni Cristy.


“Ano ba naman ‘yung hindi na ninyo binawi ‘di ba? Anong masama doon? Inamin n’yo na magkarelasyon kayo ng 12 taon na, oh ‘di ba nakakatuwa naka-12 years na kayo at sabi pa ni Coco, ‘Gustong-gusto pa rin naming magkasama kami’. Eh binawi," dagdag pa ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo