Coco Martin, Inamin Na Dapat Smack Lang Ang Kissing Scene Nila Ni Lovi Poe Sa Batang Quiapo

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 May inamin ang actor-director na si Coco Martin sa naging media conference ng Batang Quiapo noong May 3, 2023 sa nangyaring viral kissing scene nila ni Lovi Poe sa isang episode ni kanilang pinagbibidahang teleserye.


Ayon kay Coco Martin, ang unang plano ay smack kiss lamang ang gagawin nila ni Lovi Poe sa episode na iyon subalit ora mismong nagbago ang kanyang isip, kaya todo higupan ang naganap.


"Sa totoo lang, dapat ‘yung eksena namin, nag-kiss lang kami ng isang smack," pag-amin ni Coco Martin.


Dagdag pang pag-amin ni Coco Martin na habang nasa taping na sila ay nadala silang pareho ni Lovi Poe sa eksena.


"Eh, nu’ng naramdaman na namin ‘yung music habang sumasayaw kami, nagdire-diretso na! Nu’ng naramdaman kong nararamdaman ni Lovi ‘yung eksena, ipinaramdam ko na rin sa kanya ‘yung eksena. Eh, naramdaman, kaya dinire-diretso na namin,” pagkukwento pa ni Coco Martin.


Si Lovi Poe ay isang Filipina actress. Siya ay anak ng yumaong si Fernando Poe, Jr.


Isa na siyang Kapamilya actress at gumaganap bilang pangunahing babae sa napakasikat na teleserye ni Coco Martin — "Batang Quiapo."  Sa nasabing teleserye, ginagampanan niya ang papel ni Mokang. 


Inamin rin ni Lovi Poe, sa media conference ng “Batang Quiapo,” na kinilig siya at nadala sa kissing scene nila ni Coco Martin. 


Ang “Batang Quiapo” ay isang bagong serye sa TV ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Coco, Lovi, at marami pang ibang artista at aktres. Kinuha rin ni Coco Martin ang ilan sa mga kilalang vloggers ng bansa at binigyan ng roles.


Gaya ng mga nauna niyang teleserye, na “Ang Probinsyano,” si Coco rin ang direktor ng bagong hit television series.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo