Bea Alonzo, First Theater Performance Umani Ng Papuri Sa Mga Netizens!

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 Isang milestone na naman ang nagawa ng Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos ang kanyang theatrical debut sa Ang Larawan: The Concert.


Agad namang umani ng papuri mula sa mga netizens at mga nakapanood sa kanyang performance.


Noon pa mang kabataan niya, ipinakita na ni Bea Alonzo ang kanyang galing sa pag-arte. 


Noong nagsimula siya sa kanyang acting career, nabigyan na siya ng mas mature na roles kaysa sa kanyang kaedaran. Sa iba't ibang karakter na ginagampanan niya lalong nahasa ang kanyang husay sa pag-arte.


Kamakailan, ay muling pinatunayan ni Bea Alonzo ang kanyang galing hindi lamang sa pag-arte sa mga pelikula at teleserye sa telebisyon kundi maging sa theatrical play.


Kamakailan ay napasama sa mga cast ng Ang Larawan: The Concert si Bea Alonzo, marami naman ang lalong humanga sa angking kagalingan ni Bea at nag-iwan ng mga positibong komento.


Nakasama ni Bea Alonzo ang iba pang artistang itinampok sa concert sina Hajji Alexander, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Rachel Alexander, Mitch Valdes, Ricky Davao, Kakai Bautista, Kakki Teodoro, Markki Stroem, Karylle, Jericho Rosales, at Paulo Avelino.


Ibinahagi ng aktres ang mga larawang kuha sa kanyang performance.


"In my theater era," caption ni Bea sa kanyang Instagram post. Ipinahayag din ni Bea Alonzo na labis ang sayang naramdaman niya sa mga oras na nasa theater siya.


“I truly enjoyed performing on stage last night for the first time with the best people in the industry. I greatly respect everything they do to preserve the Philippines’ culture and arts,” dagdag pa ni Bea sa kanyang post.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo