Claudine Barretto, Isinugod Sa Ospital Mga Fans Labis Na Nag-alala

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Lovely


 Labis na nag-aalala ngayon ang mga fans at maging ang mga kaibigan ng aktres na si Claudine Barretto.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres ang kanyang larawan na tila nasa loob siya ng hospital dahil na rin sa swero sa kanyang kamay.


“Thank you so much to my volleyball babies for visiting me,” caption ni Claudine sa kanyang Instagram post.


Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pag-alala mula sa mga fans at malapit na kaibigan ni Claudine Barretto.


"Get well ate"


"Hope all is well. Get well soom ate!"


"Hope you're feeling better now Clau"


Gayunpaman, agad na ipinahayag ni Claudine na wala namang seryosong nangyari sa kanya. Hindi lamang naging maganda ang kanyang pakiramdam kaya nagpa-confine na siya.


“Not feeling well lang po. No need to worry. Thank you so much for all your prayers,” saad ni Claudine sa kanyang komento sa sariling post.


Kamakailan lamang ay naging guest sa programa ni Boy Abunda si Claudine Barretto kung saan sinagot niya ang ilang mga katanungan at isyu na ibinabato sa kanya.


Claudine Margaret Castelo Barretto aka Claudine Barretto ay isang Filipino actress, singer, at entrepreneur. Tinagurian din siyang “The Optimum Star” ng ilang media outlets.


Si Claudine Barretto ay nagwagi ng 3 FAMAS Award kasama na ang 2 Best Actress wins and a German Moreno Youth Achievement Award.


Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong 2006 subalit tila hindi naging maayos ang kanilang pagsasama dahil noong 2013 ay lumabas ang balita ng kanilang hiwalayan na umabot pa sila sa demandahan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo