Anne Jakrajutatip Humingi Ng Tawad Kay Catriona Gray

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Lovely


 Nag-apologize kay Catriona Gray ang bagong may-ari ng Miss Universe pageant na si Anne Jakrajutatip.


Matatandaan na nabili ni Anne Jakrajutatip ang franchise ng Miss Universe pageant noong 2022 sa halagang $20 million o sa halagang Php 1.17 billion.


Si Anne Jakrajutatip rin ang President and CEO of JKN Global Group Public Company Limited.


Kamakailan lamang ay pinaunlakan ni Anne Jakrajutatip ang imbitasyon ng King Of Talk na si Boy Abunda na makapanayam siya sa kanyang programa.


Sa pagbisita ni Anne Jakrajutatip sa Fast Talk With Boy Abunda, may makikitang malaking monitor sa harap ng main lobby ng GMA Network na nagsasabing, “Welcome! Ms. Anne Jakrajutatip JKN Global Group CEO and Miss Universe Organization.”


Sa naganap na interview, ipinahayag ni Anne Jakrajutatip ang naging pag-uusap nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nang magkita sila sa Miss Universe Extravaganza last year.


Ayon kay Anne, humingi siya ng tawad at kinausap ng maayos si Catriona Gray hinggil sa nangyaring isyu sa pagitan nilang dalawa noon. Winelcome pa umano niya ito sa JKN at sa Miss Universe Organization.


"‘I am Anne Jakrajutatip and I come here and say I do apologize, whatever happened in the past, but I’m so glad you’re here in Thailand. Welcome to the family of JKN and also Miss Universe Organization. I love you my dear from the bottom of my heart.’"


Gayunpaman, hindi nilinaw ni Anne kung ano ang dahilan sa kanyang paghingi niya ng tawad kay Catriona Gray.


Matatandaan na lumabas ang isyu noon na nagkaroon ng romantic relationship sina Anne at ang ex-boyfriend ni Catriona Gray na si Clint.


Subalit, nilinaw naman ni Catriona Gray na wala na sila ni Clint ng lumabas ang balitang may relasyon ito at si Anne.


Ang pagbisitang ito ni Anne at sa pagpayag nito sa panayam kay Boy Abunda ang unang pagkakataon niyang pagbisita sa bansa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo