Boy Tapang Nagpropose Na Sa Babaeng Magmamahal Ng Tunay Sa Kanya!

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Ipinakita ng content creator na si Ronnie Suan na mas kilala bilang si Boy Tapang sa kanyang Facebook post ang binili niyang diamond ring na ibibigay umano niya sa babaeng handa siyang mahalin ng totoo at tanggap siya ng buo.


Bagama't hindi pa umano niya nahahanap ang babae para sa kanya ay bumili na siya ng singsing na ipapasuot rito.


“Bumili ako nang diamond ring bilang paghanda sakaling may darating na babae sa buhay ko at deserving na mabigay ito sa kanya. Sana deserve yung mabigyan yung tanggap ako at mahal talaga,” caption ni Boy Tapang sa kanyang Facebook post.


Matatandaan na nasangkot sa isang isyu kamakailan si Boy Tapang nang mabuking na hindi pala sila totoong magkasintahan ng pinakilala niyang girlfriend na si LJ Satterfield.


Inamin ni Boy Tapang na totoong nahulog na ang kanyang loob kay LJ Satterfield subalit tinanggihan siya nito dahil hanggang content lamang umano ang kanilang relasyon.


“Umamin pa ako na inlove ako sa kanya kaso binabaliwala niya kasi may boyfriend yan. Hindi ko alam na my boyfriend pala sya sa hindi pa kami gumawa ng content tinatanong ko pa siya if wala kabang jowa. Ano sabi niya? Oo wala, yun pala meron haha sinabi na niya na may jowa sya nung umamin ako sa kanya na unti unti akong nahulog sa kanya.”


Samantala, marami ang napapaniwala nila na totoo silang magkarelasyon. Maging sina Jessica Soho ay tila naloko rin nila dahil sa kanilang sweetness sa isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo