Joey De Leon, Pinahuli Na Ng Mga Jalosjos Dahil Sa Pagkanta Ng It'S Showtime Theme Song?

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Jerome

 


Tila hindi nagustohan ng May-ari ng TAPE incorporated o ng mga Jalosjos ang ginawang paandar ng Tv host actor na si Joey De Leon.


Kung saan ay pinakanta nito sa kanyang mga kasamahang host sa noontime show na Eat Bulaga, ang Theme song ng kapamilya noonetime show na It's Showtime.


Ayon sa lumabas na balita na tila inaasar daw ni Joey De Leon ang mga Jalosjos.


Dahil alam naman daw nito na mainit ang dugo ng mga Jalosjos sa kanilang tatlo ni Tito Sotto at Vic Sotto.


Nang matapos nga daw ang show ng nasabing programa ay agad naman daw na tumawag ang mga Jalosjos sa Eat Bulaga management.


Dito nga ay pinipilit ng mga Jalosjos na sibakin na umano ang iconic trio o TVJ sa Eat Bulaga.


Dahil sa wala na daw ginawa ang mga ito kundi ang siraan sila sa publiko.


Samantala, agad naman daw na humingi ng paumanhin ang Tv host na si Joey De Leon.


Ayon sa kanya ay humihingi daw siya ng kapatawaran kung na offend man daw niya ang mga Jalosjos, dahil sa ginawa niya.


Dahil sabi nga niya na biroan lang daw nila iyon para mapasaya ang Dabarkads.


Ipinagtanggol naman ng mga netizens si Joey De Leon at sinabing, wala naman daw masama sa ginawa ni Joey.


Dahil hindi naman daw na banggit nito ang mga Jalosjos, at napaka babaw nga daw na dahilan upang magalit sila kay Joey De Leon, kung ang It's showtime nga daw ay dedma lang sa ginawa ni Joey.


Pero bakit daw ang mga Jalosjos ay tila sobrang apektado sa ginawang iyon ng Tv host.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo