Julie Anne San Jose Hinamong Makipag-Showdown Kay Sarah Geronimo

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay nagpaunlak ng panayam ang Kapuso actress-singer na si Julie Anne San Jose sa programa ng King of Talk na Fast Talk with Boy Abunda.


Nitong myerkules May 24, 2023, sa panayam ni Boy Abunda kay Julie Anne San Jose isa sa kanyang naitanong rito ay ang pagkukumpara sa kanya sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.


Dito pinatunayan ni Julie Anne ang malaking respeto niya kay Sarah Geronimo.


“Si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ang pambato ng Kapuso pagdating sa concert performance. Curious kami kung handa ba siyang mag-perform kasama si Popstar Royalty Sarah Geronimo? Lalaban kaya siya sa isang back to back concert with Sarah G?” pagbabasa ni Boy Abunda sa tanong mula sa isang netizen.


Prangkang sinagot naman ito ni Julie Anne San Jose at sinabing hindi siya lalaban kay Sarah Geronimo dahil nag-iisa lamang umano ito.


“Unang-una, Tito Boy, hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo. There can only be one Sarah Geronimo.”


“It would be an honor, of course, na maka-duet po si Miss Sarah. Because I really look up to her,” saad ni Julie Anne.


Subalit, sakali mang mabigyan siya ng pagkakataon na makipagcollab kay Sarah ay talagang paghahandaan niya ito.


“More on like maghahanda, yes po, of course. Definitely. Of course.


“Kasi nga po she’s one of the people that I really look up to and isa siya sa mga naging influences ko rin sa music.”


Binalikan din ni Julie Anne ang panahong naging choir siya at nakita niya si Sarah Geronimo na siyang naging inspirasyon niya sa pagkanta.


“Actually, share ko lang, naging choir po ako sa isang church po namin sa may Mindanao Avenue, and then malapit po si Miss Sarah doon.


“”Tapos nakita ko po siya sa church nag-perform siya kasi Christmas noon so, like, wala lang, fangirling. Nag-fangirl talaga ako,” pagbabalik tanaw ni Julie Anne.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo