Anne Curtis Walang Tulog Pero Dumiretso Sa Its Showtime Galing New York!

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Jerome

 


Actress at Tv host na si Anne Curtis, kakarating pa ngalang galing New York ay dumiretso agad sa It's Showtime para mag trabaho kahit na wala pa siyang tulog.


Sobrang excited nga ng mga Host ng nasabing programa, dahil balik noontime na naman sila ngayon kaya sobrang saya ng mga host na pumasak.


Ibinahagi nga ni Anne sa kanyang Instagram story ang ilang mga larawan niya sa loob ng eroplano habang siya ay pauwi na ng bansa, kalakip ang caption na, "Peace out NYC. See you in abit Manila! Showtime is officially back on noontime."


Ibinahagi din ng actress ang kanyang naging OOTD ngayong araw.


Caption naman niya sa kanyang post, "💘 Back in Manila thrilla & on noontime. Celebrated in my cutie archived @area piece I didn’t get to use for my concert last year 🧚‍♀️ that was fun madlang peeps. See you again tomorrow ✨"


Balik noontime na nga ulit ang It's Showtime matapos na magpaalam na sa ere ang Tropang LOL.


Mapapansin nga na kompleto ang lahat ng mga host ng show ngayong araw Lunes May 1, 2023 sa kanilang live broadcast.


Makikita nga sa kanilang mga ipinakita sa programa ngayong araw na talagang sobrang pinaghandaan nila ang araw na ito ang pagbabalik ng kanilang dating oras ng show.


Ang lahat nga ng mga host ay nagbahagi ng kanilang mga kasiyahan sa kani-kanilang mga social media account at nagpasalamat din sila sa lahat ng sumusubaybay sa kanilang programa at walang tigil na sumusuporta sa kanila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo