Jason Hernandez Muling Nagbahagi ng Sweet Moment Kasama Ang Isang Nakatalikod Na Babae

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang pinukaw ng singer-song writer na si Jason Hernandez ang atensyon ng mga netizens matapos muli niyang ibinahagi sa kanyang social media post ang sweet moments nila ng hindi pa rin pinapakilalang babae.


Tanging ang mga likod lamang nila ang nakikita sa ibinahaging video clip ni Jayson, sa bandang dulo ng video makikita pa ang tila pagsandal ng babae kay Jason.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na may nakasama niya ang nasabing babae. Noong nakaraang May 11, ibinahagi ni Jason ang larawan nilang dalawa.


Marami ang naghinalang baka nagkabalikan na umano sila ni Moira, subalit matapos ang ilang araw nilinaw ni Moira na hindi siya ang babaeng kasama ni Jason sa larawan.


Ipinakita pa niya ang kanyang singsing bilang patunay na hindi siya ang babaeng kasa-kasama ni Jason.


"Anong kulay 'to?" nakangiting tanong ni Moira sa audience.


Dagdag niya, "Silver, di ba?"





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo