Zeinab Harake Pinagbabawalan Si Skusta Clee Na Makita Si Baby Bia?

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Lovely


 Walang ibang nagawa ang OPM Rapper na si Skusta Clee kundi ang magbahagi ng mensahe sa kanyang social media account para sa anak na si Baby Bia na nagdiriwang ng 2nd birthday nitong April 28.


Sa kanyang Facebook post, ipinahayag din ni Skusta Clee na may mga taong nagbabawal sa kanya na makita ang anak kahit pa ninanais niya itong makita.


“Happy birthday anak. Ginawa ko naman lahat eh para makita kita eh sila lang talaga yung ayaw. Magiging okay din lahat. I love you sorry,” pahayag ni Skusta Clee sa kanyang Facebook post.


Matatandaan na hindi naging maayos ang hiwalayan noon nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Itinuturong si Skusta Clee ay nambabae habang nagbubuntis si Zeinab Harake.


Matapos ang hiwalayan nina Zeinab Harake at Skusta Clee ilang beses na ring na-link sa iba'-ibang babae si Skusta Clee.


Una rito ay ang tiktok star na si Aira Mae Lipata na tinuturong third party sa hiwalayang Zeinab Harake at Skusta Clee.


Ilang buwan matapos napapabalitang hiwalay na sina Aira Mae at Skusta nalink naman ang OPM Rapper sa VivaMax artist na si Ava Mendes.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo